Nakatakdang dumalaw sa Pilipinas ang reigning Miss Universe na si R’Bonney Gabriel mula sa United States sa darating na Mayo.

Ang pagbisita ni Gabriel ay parte ng isang malaking kaganapan ng Miss Universe Organization. Ito naman ay kaniyang inanunso sa Texas-based lifestyle show na Houston Life.

Sa programa sa TV, muling ipinagmalaki ng Louisiana-based beauty queen na may dugo siyang Pilipino at bata pa lang ay magbabakasyon siya sa Pilipinas kasama ang kanyang ama.

Sa nasabing programa, lubhang ipinagmalagi ng reigning queen ang kaniyang dugong 'Pinoy.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

&t=485s

Aniya, “I cannot believe it, it warms my heart. I grew up going to the Philippines as a child and just going on a vacation there, and to actually be somewhat of an inspiration to the people in the Philippines now is amazing. Actually, I will be visiting the Philippines soon, in May. We’re gonna have a huge event there, as Miss Universe, so I’m really excited.”

Bibisita sa Pilipinas si reigning Miss Universe R’Bonney Gabriel ng United States sa Mayo dahil sa isang “huge event” ng Miss Universe Organization.

Dagdag pa ni Gabriel, na half-Filipino, hindi na siya makapaghintay na makita nang personal ang 'Pinoy fans.