Nakatakdang ilantad ng mga kongresista ang pagkakakilanlan ng mga umano'y dawit sa kartel ng sibuyas sa bansa, ayon kayHouse Speaker Martin Romualdez.

Aniya, ito na ang tinutumbokng pagpapatuloy ng kanilang imbestigasyon sa Martes, Marso 21, kasabay ng paniniyak na ipakukulongniya ang mga financier at negosyanteng sangkot sa usapin.

Pamumunuan ngHouse Committee on Agriculture and Food ang imbestigasyon sa umano'y pagtatago ng mga agricultural product upang tumaas ang presyo ng mga ito.

Sa nakaraang pagdinig sa usapin, sinabi ni Romualdez na ipinakulong niya ang tatlong opisyal ng Argo International Forwarders, Inc. matapos tumangging makipagtulungansa isinasagawang imbestigasyon.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

"I cannot stress enough for these resource persons the importance of cooperating with the committee. Lie to lawmakers and you will all find yourselves in jail,” aniya.

Nangako na aniya ang tatlong opisyal na makikipagtulungan na at ihaharap nila sa komite ang dokumento kung saan mabibisto ang pagmamanipula ng presyo ng sibuyas at pagkakakilanlan ng mga dawit sa usapin.

Philippine News Agency