Hinikayat ni Manila Mayor Honey Lacuna ang kaniyang nasasakupanna magparehistro na ng kanilang SIM cards.

Sa tulong ng mga kawani ng Globe telecoms, i-aassist nila ang mga residente ng Maynila na makapagregister ng kanilang Globe SIM card. Ito ang umano'y kauna-unahang NCR-based assisted SIM card registration.

Ang SIM registration ay alinsunod sa Republic Act no. 11934.

“Grab the opportunity to have your SIM cards registered,” pahayag ni Lacuna nitong Lunes.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Ang mga interesado aniya ay maaaring magpunta sa Bonifacio Shrine kung saan may walong kawani ang sabay-sabay na tutulong sa SIM registration mula 9:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

Magtatagal ang naturang serbisyo hanggang sa Biyernes, Marso 24.

Samantala, ang pagpaparehistro ng SIM card ay hanggang Abril 26, 2023 na lamang.