Matapos ang birthday pasabog ni Klea Pineda na miyembro siya ng LGBTQIA+ community, may mensahe ang kaniyang ina para sa kaniya. 

"Happy birthday my first born always proud of you we love you so much!😘🌈" saad ni Charito Pineda sa kaniyang Instagram post nitong Linggo, Marso 19.

"Sana napasaya ka namin sa araw mo!🥰😘🙏🏻," dagdag pa nito.

Nagkomento rin si Klea sa post ng kaniyang ina, "Love you mommy!!!🏳️‍🌈"

Klea Pineda, may birthday pasabog; may inamin

Matatandaang umamin si Klea sa publiko na bahagi siya ngLGBTQIA+ community sa mismong kaarawan niya.

Ayon sa aktres, ang pag-amin niyang ito ang naging pinakamatapang na desisyon at nagawa niya sa kaniyang buong buhay.

BASAHIN: