“In just 7 days, we have risen from the ashes.”

Ito ang pahayag ni Mayor Benjamin Magalong nitong Lunes, Marso 20, matapos niyang ianunsyong sa loob lamang ng pitong araw, tapos na ang clean up drive sa nasunog na malaking bahagi ng public market sa Baguio City.

Ayon kay Magalong, sa ilalim ng kanilang programang “Bangon Palengke”, naayos na muli ang pampublikong pamilihan ng Baguio City kaya’t makababalik na ang mga manininda mula sa Block 3 at 4 na pinaka-naapektuhan ng sunog.

Nagpasalamat naman ang alkalde sa bawat indibidwal at ornagisasyon na nagkaloob ng tulong sa mga naapektuhang residente at manininda.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

“The reason why we were able to make it in only seven days instead of the projected three months is because of the hard work, the team work, and what we call ‘bayanihan’ spirit where everybody contributed,” saad ni Magalong.

Matatandaang nangyari ang nasabing sunog sa public market ng Baguio City noong Marso 11, bandang 11:00 ng gabi.

BASAHIN: Public market sa Baguio, tinupok ng apoy