Pinuri ni Vice President Sara Duterte nitong Linggo, Marso 19, ang mga Pangasinense sa patuloy nilang pangangalaga sa Hundred Islands Park na may malaking kontribusyon umano sa ekonomiya ng Alaminos City, Pangasinan.

Ipinahayag ni Duterte ang nasabing pagpuri sa mga Pangasinense matapos makiisa sa pagdiriwang ng Hundred Islands Festival sa Plaza Marcelo Ochave, Alaminos City, kanina.

"Tunay na kahanga-hanga ang lungsod ng Alaminos at ang mga residente nito na patuloy na nagsusumikap para protektahan ang Hundred Islands National Park," pahayag ni Duterte sa Facebook post.

Maituturing umano ang Hundred Islands National Park na isa sa mga nangungunang tourist destination sa Asya.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon pa kay Duterte, laging handa ang Office of the Vice President (OVP) na tumulong sa mga residente ng Alaminos sapamamagitan ng "pagbibigay ng mga proyektong pang-entrepreneurship tulad ng Magnegosyo Ta ‘Day (MTD)."

"Layunin ng MTD na matugunan ang kakulangan ng hanapbuhay at dagdagan ang kita ng ating mga kababayan sa mga komunidad na mataas ang insidente ng kahirapan," ani Duterte.

Ang nasabing MTD livelihood program ay isa na umano sa mga proyekto ni Duterte nang siya ay alkalde pa lamang sa Davao City.

Ipinagpatuloy na rin ito OVP nang maging bise presidente si Duterte mula 2022.