Emosyunal ang tatlong tiyahin ng social media personality na si Whamos Cruz matapos niyang ipatawag ang mga ito at bigyan ng tig- ₱30,000 na magagamit nilang kapital sa pagsisimula ng isang negosyo.

Sa kaniyang Facebook post, sinabi ni Whamos na nabalitaan niyang nasibak o natanggal sa kani-kanilang mga trabaho ang tatlong tiyahin.

"DAHIL WALA NA KAYONG WORK AKO NA BAHALA SA PANG NEGOSYO NYO #WHAMOSCRUZ," saad ng social media personality sa caption.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Screengrab mula sa FB ni Whamos Cruz

"Talagang pinapunta ko sila rito sa bahay kasi nalaman ko na wala nang trabaho 'yong mga tita ko. Kaya pinapunta ko agad-agad. Actually, kagabi ko lang nalaman kaya kinontak ko sila… para bigyan ng pang-negosyo para kahit wala silang trabaho meron silang pagkakakitaan," ani Whamos.

Naninirahan ang tatlo sa Sitio Bayabas, Taytay, Rizal kung saan dating nakatira si Whamos at pamilya niya.

Bukod sa ₱30k, nagdagdag pa ng tig-₱8k si Whamos sa kanila upang may maipanggastos sila sa kanilang mga sarili.

Hindi na bago kay Whamos ang pagiging galante at matulungin, hindi lamang sa kaniyang mga kaanak, kundi kahit sa mga estranghero o hindi kakilala.