Seryosong umapela si Manila Mayor Honey Lacuna sa mga residente nitong Linggo na huwag gawing basurahan ang mga poste ng ilaw, center island, mga tulay at mga estero sa lungsod.

"Huwag naman po nating gawing tambakan ng basura ang mga poste ng ilaw, center island, tulay at estero,” panawagan pa ng alkalde.

Kasabay nito, inianunsiyo rin ni Lacuna na mas istriktong ipatupad ang waste segregation system at scheduling ng garbage collection sa lungsod.

Sinabi ni Lacuna na kapuna-punang inilalabas na ng karamihan ngresidente ang kanilang basura bago pa man dumating ang trak ng basura para kolektahin ito, kaya naman nagtatambakan ito at nagsisilbing eye sores sa mga kalsada.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Araw-araw po ay talagang walang tigil ang mga kawani ng DPS (Department of Public Services) sa pagsunod sa mga basurang inilalagay sa mga di naman tamang lugar. Gusto ba ninyo parang dating sa Marikina na ‘yung alkalde, pag di pa panahon para ilabas ang basura at meron siyang nakita sa daan ay ibinabalik niya sa loob ng tahanan?” ayon pa kay Lacuna.

Idinagdag pa nito na: “Ngayon, magiging mahigpit na kami sa pagpapatupad ng segregation at may mga takdang araw kung kelan kokolektahin ang nabubulok at di nabubulok.”

Pinaalalahanan ng alkalde ang mga residente na may umiiral na city ordinance kaugnay ng‘Tapat ko, Linis ko’ program nglocal government na kung saan inoobliga ang bawat tahanan na panatilihing malinis ang kanilang harapan.

“'Wag po nating ugaliing madaling araw ay inilalabas ang basura tapos nilalagay sa mga center island, poste, gilid ng bakod o tulay kasi di magandang tingnan,” aniya pa.

Ipinaliwanag ni Lacuna na habang ang Executive Order No. 6 na nagtatakda sa bawat Biyernes ng Linggo bilang ‘cleanup day’ sa loob at labas ngCity Hall, kailangan pa ring panatilihin ang kalinisan kahit na anong araw.

Binigyang-diin rin niya ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kalinisan sabuong kapaligiran dahil nag-aanyaya ito ng mga turista atinvestors na mangangahulugan ng pag-unlad ng lungsod maging ng mamamayan nito.

“Panatilihin po nating malinis ang ating lungsod dahil tayo dapat ang unangnagmamahal dito. Mas malinis, mas maganda para sa ating lahat.Ako ay nananawagan at pauna nang nagpapasalamatsa mga tutugon sa ating panawagan,” sabi ni Lacuna.

Tiniyak rin ni Lacuna na patuloy na ginagawa ng lokal na pamahalaan ang lahat upang mapanatili ang kalinisan sa Maynila.

Gayunman, upang magtagumpay aniya ito, ay kailangan nila ang kooperasyon ng mga residente.

Labis din nadidismaya ang alkalde dahil sa walang tigil na paghahakot ng basura ng mgaconcerned city personnel sa mga lugar na hindi naman dapat tapunan ng basura.