Umamin ang aktres na si Klea Pineda na miyembro siya ng komunidad ng LGBTQIA+ sa gitna ng pagdiriwang ng kaniyang kaarawan nitong Linggo, Marso 19.

"My 24th birthday is extra special since I finally mustered up the courage to come out to the world as my true authentic self," pahayag ni Lea sa kaniyang social media post.

Ayon sa aktres, ang pag-amin niyang ito ang naging pinakamatapang na desisyon at nagawa niya sa kaniyang buong buhay.

"I want the world to know that I am a proud member of the LGBTQIA+ community," saad ni Klea.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

"I know not everyone will understand and appreciate this decision. But throughout the years, I’ve learned to prioritize the things that give joy and meaning to my life, and revealing my sexuality to the world is a huge part of it.

"By doing this, I hope to inspire and empower others who are still struggling to come into terms with their sexuality. Alam ko mahirap at nakakatakot, but please know na walang mali sa atin at walang kulang sa atin kahit pa magpakatotoo tayo," dagdag niya.

Marami man daw ang manghusga, naniniwala pa rin siyang mas marami pa rin ang tatanggap at magmamahal sa tunay niyang pagkatao.

"Just be the person that your younger self would be proud of!" saad ni Klea.

Dagdag ng aktres, magpapatuloy pa rin daw siya sa pagkamit sa kaniyang mga pangarap. Wala rin daw magbabago at siya pa rin ang "Klea" na minahal ng kaniyang mga taga-suporta.

"The only difference now is I can proudly say that I’m gay! 🏳️‍🌈✨

"From now on, I want to live my life fearlessly. Sana samahan nyo ako sa paggawa ng sarili kong kwento na alam kong tunay na magpapasaya sa akin," ani Klea.

"Let’s spread love and empowerment, everyone! And always remember, #LoveIsLove! ❤️🧡💛💚💙💜" saad pa ng aktres.