Ibinahagi ni Kapamilya actress Julia Montes ang screengrab ng video call nila ni Megastar Sharon Cuneta matapos siyang batiin nito sa 28th birthday niya.

"Sweetest Greeting from Mommy Sha @reallysharoncuneta I love you ❤️😘 hello also to @frankiepangilinan so pretty and nice to see you also❤️😘," sey ni Julia.

View this post on Instagram

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Makikita rin ito sa mismong IG post ng Megastar.

"Di maghihiwalay habangbuhay! @montesjulia08 Love you baby ko!❤️" ani Mega.

Naging super close ang dalawa dahil sa taping ng "FPJ's Ang Probinsyano" kung saan gumanap si Mega bilang nanay ng karakter ni Julia, na huling pag-ibig naman ng karakter ni Coco Martin na si "Ricardo Dalisay" na naging iconic na.

Tila naging espesyal naman ang 28th birthday celebration ni Julia kasama ang malalapit na kaanak at kaibigan, at siyempre, kasama ang rumored boyfriend na si Coco.

"A few more minutes before she turns 28, Julia got to spend her birthday salubong with her loved ones – and of course her Tanggol. Happy Birthday, indeed! ❤️" saad sa caption ng isang Instagram fan page ng "CocoJuls."