Nakakuha na ng upuan sa semifinals ang Ginebra San Miguel makaraang pulbusin ang NLEX Road Warriors, 127-93, sa PBA Governors' Cup sa Araneta Coliseum nitong Marso 19 ng gabi.

Hindi na pinaporma ng Gin Kings ang Road Warriors nang kamkamin ang 56-36 bentahe sa first half sa tulong nina Justin Brownlee at Jamie Malonzo.

Sinamantala ng Ginebra ang hindi paglalaro ni NLEX import Wayne Selden, Jr. dahil sa pilay sa bukung-bukong.

Sinandalan muli ng Gin Kings sa kanilang panalo si Brownlee na kumubra ng 31 points, 13 rebounds, at anim na assists.

Eleksyon

Philip Salvador, masayang number 1 sa boto 'beshy' na si Sen. Bong Go

Makahaharap na ng Ginebra ang San Miguel Beermen sa semifinal round.