Tinatayang 15 na ang naitalang nasawi sa Ecuador matapos yanigin ng magnitude 6.7 na lindol ang naturang bansa at ang Peru nitong Sabado, Marso 18.

Sa ulat ng Agence France Presse, ibinahagi ng pamahalaan ng Ecuador na isa rin ang nasugatan habang may mga gusaling napinsala ng lindol.

Nangyari umano ang pagyanig sa Ecuadoran municipality ng Balao, malapit sa hangganan nito ay ng bansang Peru.

Wala pa namang naiuulat na nasawi at malaking pinsala sa bansang Peru, kung saan hindi umano masyadong naramdaman ang lindol.

Internasyonal

U.S. Vice President Vance, nabisita pa si Pope Francis isang araw bago ito pumanaw

Naitala ang unang aftershock na may magnitude 4.8 sa Balao, Ecuador, ngunit wala naman umanong banta ng tsunami ang nasabing pagyanig.