CASTILLEJOS, ZAMBALES -- Sinalakay ng mga anti-narcotic operatives ang isang makeshift drug den at nakorner ang tatlong drug personalities sa Barangay Del Pilar, Castillejos nitong Sabado ng gabi, Marso 18.

Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency Zambales Provincial Officer ang mga naarestong suspek na si Albert Farrales na umano'y drug den maintainer kabilang sina Laurence Callo at Ronnie Crisostomo.

Nakuha sa mga nadakip na suspek ang limang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 20 gramo ng shabu, na nagkakahalaga ng Php 138, 000.00, sari-saring mga gamit sa droga, at buy-bust money.

Ang operasyon ay magkatuwang na isinagawa ng mga operatiba sa pangunguna ng PDEA Zambales Provincial Office at ng lokal na pulisya.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Lahat ng suspek ay nakakulong ngayon sa Detention Facility ng PDEA-3 at inihahanda na laban sa kanila ang mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 para sa pagsasampa sa korte.

Ang mga nakumpiskang iligal na droga ay isinumite sa PDEA Laboratory Section para sa pagsusuri.