CAGAYAN -- Naka-enkuwentro sa ikalawang pagkakataon ang tropa ng hukbo mula sa 501st Infantry Brigade ang mga miyembro ng Communist Terrorist Group sa Barangay Tanglagan, Gattaran, Cagayan noong Sabado, Marso 18.

Dalawang sundalo ang nasugatan sa sagupaan.

Habang narekober naman ng tropa ng gobyerno ang dalawang improvised explosive device, blasting caps, 15 cartridge na naglalaman ng mga bala, solar panel, C4, iba't ibang medical supplies, cellphone, subersibong dokumento, at personal na gamit ng mga terorista ng NPA.

Sa isinagawang hot pursuit operation ng hukbo ng 501st Infantry Brigade sa mga tumakas na miyembro ng Cagayan and Isabela Provincial Committee, Regional Committee-Cagayan Valley, natunton nila ang mga grupo.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Tumagal ng 40 minuto ang palitan ng putok ng magkabilang panig.

Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng militar ang lugar ng engkwentro dahil sa mga bakas ng dugo sa lugar.

Samantala, agad namang dinala sa Camp Mechor F Dela Cruz Station Hospital ang dalawang sugatang sundalo dahil sa minor injuries ng mga ito.