Halos 12,400 na ang nasita ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagpapatuloy ng dry run ng exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Kabilang sa hinarang ng MMDA ang 2,931 na rider at 9,439 na driver ng mga four-wheel vehicle nitong Marso 9 hanggang Marso 18.

Ayon sa MMDA, winarningan nila ang 12,370 na nasita dahil nasa test run pa lang ang bagong polisiya.

Ang naturang lane (Elliptical Road hanggang Doña Carmen) ay eksklusibo lamang sa mga nagmomotorsiklo upang mabawasan ang naitatalang aksidente sa Commonwealth Avenue.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Sa unang direktiba ng MMDA, ipatutupad ang bagong sistema simula Marso 9 hanggang Linggo, Marso 19.

Gayunman, kaagad na iniutos ng ahensya na palawigin pa ito ng isang linggo upang bigyang-daan ang pagkukumpini ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kalsada upang matiyak ang kaligtasan ng mga nagmomotorsiklo.