Hindi pa man umeere ang seryeng "Linlang" kasama sina Diamond Star Maricel Soriano, Paulo Avelino, at iba pang stellar cast, may proyektong nakahain na kaagad para kay Chinita Princess at "It's Showtime" host Kim Chiu.

Ibinahagi ni Kimmy ang litrato nila ni Deo Endrinal, ang head ng Dreamscape Entertainment na isa sa production units ng ABS-CBN.

Ayon sa text caption ni Kim, masayang-masaya siya sa tiwalang ibinigay sa kaniya ng Dreamscape at ABS-CBN.

National

DND, pinabulaanan ang malisyosong video tungkol kay PBBM

Screengrab mula sa IG ni Kim Chiu/Deo Endrinal via Fashion Pulis

Bagama't walang sinabi kung anong proyekto ito, ayon naman sa isang Facebook page na "HOLA," bibida umano si Kim Chiu sa Pinoy adaptation ng "What's Wrong With Secretary Kim" na pinagbidahan nina Park Seo-joon at Park Min-young, na umere din sa Kapamilya Network ang dubbed television series.

Ang pinagbatayan dito ay ang nahagip na photo mula sa poster ng naturang K-drama, na bahagyang makikita sa SMART TV na nasa likod nina Kim at Deo.

Screengrab mula sa IG ni Carl Merced via Fashion Pulis

Sino naman kaya ang gaganap na Park Seo-joon?

Samantala, wala pang kumpirmasyon mula kay Kim o sa Dreamscape kung tama ba ang hula ng mga netizen.