Naglabas ng open letter sa kaniyang Facebook post ang motivational speaker at social media personality na si Rendon Labador para kay "FPJ's Batang Quiapo" lead actor at direktor na si Coco Martin, kaugnay ng isyung may mga nagtitinda raw sa Quiapo na naaabala na sa pagbebenta dahil sa "abalang" dulot ng taping nila.
Kalakip ng open letter ni Rendon ang video clip ni Coco kung saan natanong ito kung ano ang masasabi sa pag-call out sa kaniya ng una.
Makikitang ngingiti-ngiti lamang si Coco at tila ayaw na siyang patulan. Nasabi rin nitong kinukuha niya si Rendon pati na ang kapatid nito sa serye, subalit tumanggi sila.
Bagay na inamin naman ni Rendon.
"Yes, January pa lang nakikipag-negotiate na sila sa akin para mabigyan ako ng role sa BATANG QUIAPO. Totoo 'yan! Nagre-request ako ng meeting sa kanila para maayos ang collaboration. Hindi sila corporate kausap kaya hindi namin masyado binigyan ng pansin. Nagfollow-up sila ng second time at gusto daw nila ako iinclude, tinawagan namin sila at nakausap. Wala silang maayos na direction sa role na offer pati sa story hindi organized, kaya hindi na ulit namin pinansin."
"Madami kasi akong mas mahahalagang commitment para magbigay ng oras sa isang bagay na walang direction. Pwede 'yan sa mga taong walang ginagawa sa buhay at nagsisimula palang sa industry o kaya yung mga artista o celebrity na walang mga projects. Hindi ko sila minamaliit, its just that hindi lang kaya ng oras at commitment ko ngayon."
"Busy ako sa pagtatayo ng series of sports bar sa buong pilipinas, eto yung Episode Bar + Kitchen at open ako sa mga business partners at investors dito. Pwede ninyo ako email sa [email protected]."
"Professional naman ako kausap pagdating sa business. At ibang usapan na 'yan. Kaya nga hindi ko na sinabi na kinukuha mo ako at 2x ako nag-decline. Wala naman akong pakialam diyan sa mga pinaggagawa ninyo. Kaya kong gumawa ng BATANG DIVISORIA kung gugustuhin ko lang, Gets mo?"
"FYI: Intindihin mo din na iba ang reputation ko dito sa socmed!"
Sinabi ni Rendon na may adbokasiya siyang ipaglaban ang mga taong "walang boses."
"Meron kasi akong advocacy na iboses ang mga taong hindi kayang iboses ang mga karapatan nila. At wala akong pakialam kung sino ang masasagasaan ko, lalo na sa'yo! Kung gusto mong irespeto kita, pakirespeto din ang mga maliit nating mga negosyante diyan sa Quiapo."
"Wala naman silang pera katulad natin. Nagsu-survive lang ang mga 'yan sa pang-araw-araw nila. Yun ang punto ko. Sana maintindihan mo. Alam kong negosyante ka rin, sana lang simulan mo na maghanap ng sarili mong studio para hindi mo magamit ang pampublikong lugar para sa iyong pansariling interes. Huwag kang tanga."
"Kung gusto mo akong kuhanin sa mga projects mo, ibang usapan 'yan. Magbook ka ng appointment sa office ko at mag-usap tayo as a businessman at lalake sa lalake! Alam mo ang personal number ko."
"Pero bago kita kausapin, ayusin mo muna ang mga vendors sa Quiapo! Then let's talk about business. #stayMotivated."
Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Coco tungkol dito.