Inaasahang bababa sa Martes, Marso 21, ang presyo ng produktong petrolyo, ayon sa mga 

kumpanya ng langis.

Aabot sa ₱1.70 hanggang ₱1.80 ang itatapyas sa kada litro ng diesel habang bababa naman ng ₱1.10 hanggang ₱1.30 ang bawat litro ng gasolina.

Pinagbatayan ng mga oil company ang naging kalakalan ng langis sa nakalipas na apat na araw mula Marso 13-16).

Matatandaang nagtaas ng presyo ng kanilang produkto ang mga kumpanya ng langis nitong nakalipas na linggo bunsod na rin ng paggalaw ng presyo nito sa pandaigdigang merkado.