NUEVA ECIJA -- Inaresto ng otoridad ang isang miyembro ng Ortiz Criminal Group

Ayon kay Col. Richard Caballero ng Nueva Ecija Provincial Police, nagsagawa ng manhunt operation nitong Biyernes ng madaling araw ang San Leonardo Police sa Barangay Diversion, San Leonardo, Nueva Ecija na nagresulta sa pagkaaresto ni Reynaldo Bauto Jr..

Si Bauto, 30, residente ng Barangay Tabuating, at miyembro ng nasabing criminal group, ay sangkot sa gun-for-hire at iba pang iligal na aktibidad sa Nueva Ecija at kalapit na lalawigan.

Ang nahuling suspek na nagtatago ng halos apat na taon ay inaresto ng otoridad sa bisa ng Warrant of Arrest for Murder na walang inirerekomendang piyansa.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol