Milyun-milyong patay at nabubulok nang isda ang naiulat na bumara sa isang malawak na bahagi ng isang ilog sa Australia.
Sa ulat ng Agence France Presse, ibinahagi ng pamahalaan ng New South Wales nitong Biyernes, Marso 17, na milyun-milyong mga isda nga ang namatay sa Darling River malapit sa bayan ng Menindee.
"It's horrific really, there's dead fish as far as you can see," saad ni Graeme McCrabb ng Menindee sa AFP. "It's surreal to comprehend."
Ayon naman sa pamahalaan ng New South Wales, lumaki ang populasyon ng mga isda sa nasabing ilog matapos ang nangyaring pagbaha sa lugar kamakailan lamang.
"These fish deaths are related to low oxygen levels in the water (hypoxia) as flood waters recede," pahayag nito.
Nagpalala rin umano sa hypoxia ng mga ito ang kasalukuyang pag-init ng panahon na siyang dahilan ng mas kaunting oxygen sa tubig.
Ang bayan ng Menindee na may 500 residente ay nakaranas umano ng tagtuyot at baha sa mga nakalipas na taon.