Nais mo bang mamasyal sa China?

Inanunsyo ng Chinese Embassy in Manila nitong Biyernes, Marso 17, na maaari na muling makapasyal sa China ang mga Pinoy at iba pang banyagang turista matapos muling ibalik nito ang pag-isyu ng mga visa tulad ng pang-turismo.

"China resumes issuance of all visas, welcoming Filipino tourists back," pahayag ni Chinese Ambassador to Manila na si Huang Xilian sa kaniyang Facebook post.

Nagsimula umano noong Marso 15 ang pag-isyu ng China ng lahat ng uri ng visa, tulad ng "tourism visa, port visa, and multiple visa-exemption policies".

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

"Visa processing online applications can be done on https://cova.mfa.gov.cn and interested travelers are welcome to consult with the Chinese Embassy in Manila and Consulates in Cebu, Laoag, and Davao for more detailed requirements and procedures," ani Huang.

Magbabalik na rin umano ang visa-exemption policy para sa Hainan, visa-exemption cruise policy para sa Shanghai, visa-exemption policy para makabisita ang mga banyaga sa Guangdong mula Hong Kong at Macao, at visa-exemption policy para sa ASEAN tour groups papuntang Guilin at Guangxi.

"I'm very excited to invite everyone back to beautiful China! Welcome!" saad ni Huang.

Ito ang unang beses na bubuksan muli ang China sa mga turista magmula nang magsimula ang COVID-19 pandemic dito tatlong taon na ang nakalilipas.

Ang nasabing pagbubukas ng turismo ay inilabas isang buwan mula nang ianunsyo ng China na napagtagumpayan nito ang virus matapos alisin ng mga awtoridad ang travel warning sa Chinese nationals noong Enero.