TACLOBAN CITY – Nakatanggap ng dalawang habambuhay na sentensiya ang isang babae dahil sa pang-aabusong sekswal sa mga menor de edad, kabilang ang sariling anak na babae, kapalit ng pera mula sa online sex offenders.
Hinatulang guilty ng Regional Trial Court Branch 10 sa munisipalidad ng Abuyog, Leyte ang akusado ng qualified trafficking, child abuse, at pagsasangkot sa mga menor de edad sa online sexual exploitation.
Ang trafficker ay binigyan ng habambuhay na sentensiya para sa qualified trafficking at isa pang habambuhay na sentensiya para sa child abuse.
Nasentensiyahan din siya ng maximum na 17 taon sa bilangguan para sa sexually exploitment ng mga menor de edad online at inutusang magbayad ng kabuuang multa na P4.5 milyon para sa lahat ng tatlong pagkakasala.
Inaresto ng Philippine National Police-Women and Children Protection Center-Visayas Field Unit (WCPC-VFU) ang akusado noong Nob. 10, 2017.
Nahuli nila siya sa akto na nag-aalok na magsagawa ng sex acts sa kanyang pitong taong gulang na anak na babae at ini-live-stream ang mga ito mula sa kanyang tahanan sa MacArthur, Leyte.
Ang kanyang anak na babae ay nailigtas sa panahon ng operasyon kasama ang walong iba pang mga bata.
Pagkatapos ay kinasuhan ang human trafficker ng mga paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act, Cybercrime Prevention Act, at Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.
Ipinaliwanag ni Regional Prosecutor Irwin Maraya na minaksima ng prosekusyon ang magagamit na digital na ebidensya at nag-tap ng internasyonal na pakikipagtulungan upang patunayan ang kanilang kaso.
"The conviction achieved by Prosecutor Junery Bagunas, in this case, was a big win for child protection. No child had to be put on the witness stand and be re-traumatized," aniya.
"This outcome demonstrates the effectiveness of child-protective approaches in prosecuting online child sexual exploitation cases,” dagdag niya.
Pinuri ng abogado at Direktor ng IJM Cebu na si Lucille Dejito ang paghatol bilang isang malaking panalo para sa pandaigdigang pakikipagtulungan dahil nag-ugat ito sa pag-aresto kay Philip Chicoine, isang Canadian offender na binayaran ang Filipino trafficker para i-live stream ang pang-aabuso sa mga menor de edad.
Marie Tonette Marticio