Ibinahagi ng Kapuso actress na si Ashley Ortega ang kaniyang saloobin tungkol sa breakup nila ni Lucena City Mayor Mark Alcala. 

Sa kaniyang interview sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Biyernes, Marso 17, isa sa mga napag-usapan ang tungkol sa kaniyang lovelife. 

Bilang competitive actress, itinanong ni Boy, kung gaano siya ka-competitive pagdating sa pag-ibig.

"I'm very also competitive, Tito Boy. Kapag may mahal akong tao talagang ibibigay ko rin naman lahat ng makakaya ko," sey ni Ashley.

KILALANIN: Lucena City Mayor Mark Alcala, bagong kinakikiligan ng netizens!

"Ibibigay mo ang lahat at ipinaglalaban mo ba?" sundot na tanong ng seasoned TV host.

"Yes," simpleng sagot ng aktres.

Hindi na nagpatumpik tumpik pa si Boy, agad niyang itinanong kay Ashley ang tungkol sa kanila ni Lucena Mayor Mark.

 

"Hanggang saan mo ipinaglaban, hanggang saan mo ibinigay ang kaya mo? because it didn't work," tanong ni Boy.

"Pinaglaban ko naman until the very end but of course, we had a mutual agreement and I respected his decision and ayoko rin naman ipilit. Ayaw naming ipilit sa isa't isa if we know that it won't work. Kasi if we know na it won't work, bakit pa ipaglalaban?" sagot ng 'Hearts on Ice' star.

"That's actually one of the lessons I learned. Choosing your own battles wisely because not every battle is worth fighting for also, it's just a lesson in life," dagdag pa niya.

"What was not worth fighting for sa relasyon na 'yun?" tanong pa ng TV host. Nagbigay rin siya ng example kung tungkol ba ito sa politika, ibang babae, o problema sa career. 

"Siguro, Tito Boy, naging busy kami sa work. And isa sa mga naging problem was yung distance. He was in his province, he was the newly elected mayor. I was busy with work, kakatapos ko lang ng Widow's Web noon. And then I started training for Hearts on Ice sa skating. So medyo nawala siguro yung connection and communication," paglalahad ni Ashley.

Gayunman, mutual decision ang kanilang paghihiwalay ni Mark. 

"We decided to better ourselves individually, mag-focus na lang muna sa career, and ayoko naman na ipilit pa if alam naman namin na mas lalo lang magiging toxic," aniya pa.

Matapos ang anim na buwan ng paghihiwalay, hindi na raw nagkita at nag-usap sina Ashley and Mark.

"I have nothing against him, I'm not mad at him, or bitter at him. But since nga after the breakup, we never saw each other. Siguro now it's more of I don't really feel anything towards him because he was not a part of my life anymore and I'm fine with that," ani Ashley.

"Ngayon I was able to move forward and I'm at peace. And I think with him also, I think he's doing good with his career," dagdag pa niya.

Noong Pebrero, kinakikiligan ng mga netizen si Lucena Mayor Mark dahil sa 'kagwapuhan' nito na umagaw ng pansin sa nakararami.

BASAHIN: