Ilocos Sur — Sinunog ng The Philippine Drug Enforcement Agency- Regional Office I ang ₱8,635,000 halaga ng tanim na marijuana sa Sitio Culiang at Brgy. Tacadang, Kibungan, Benguet at Brgy. Licungan, Sugpon, Ilocos Sur.
Nangyari ito sa isinagawang joint eradication operation ng Police Regional Office I-Regional Drug Enforcement Unit, Regional Mobile Force Battalion, at iba pang law enforcement units.
Ayon kay PDEA Regional Director III Joel B. Plaza na sinunog ng pulisya ang hindi bababa sa 21,700 piraso ng marijuana plants na may halagang ₱4,340,000 mula sa tatlong plantation sites sa Benguet.
Samantala, sinunog din ng awtoridad ang hindi bababa sa 18,350 piraso ng marijuana plants at limang kilong dried marijuana leaves na may halagang ₱4,295,000 mula sa tatlong plantation sites sa Sugpon, Ilocos Sur.