Sinalakay ng mga awtoridad ang pitong cold storage facilities sa Navotas City nitong Biyernes na ikinasamsamng₱120 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na poultry at seafood products.
Kasama ng Bureau of Customs (BOC) ang mga tauhan ng Customs Intelligence, and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP), Department of Agriculture-Inspectorate and Enforcement Office (DA-IE), National Meat Inspection Service (NMIS), at Philippine Coast Guard (PCG) nang lusubin nila ang mga storage facility sa nasabing lungsod.
Sa Facebook post ng ahensya, isinagawa ang operasyon batay na rin sa Letters of Authority na pirmadong bagong commissioner ng BOC na si Bienvenido Rubio.
Si Rubio ay itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr, sa nasabing puwesto nitong Pebrero.
Kabilang sa nasamsam sa operasyon ang iba't ibang poultry products na mula sa China na kinabibilangan ngfrozen pork legs, chicken drumsticks, pork spareribs, squid rings, crayfish, pork ears, pork hinges, abalone, brawley beef, pork aorta, chicken feet, pork riblets, goldenpampano, pangasius fillet, boneless pork ham, fish tofu, at pork ears.
Ang mga karneng baka naman ay nagmula pa sa Brazil at Australia, habang ang pork at pork ears ay galing ng Estados Unidos at Russia, ayon sa pagkakasunod.
Binigyan pa ng sapat na panahon ang mga may-ari ng kargamento upang makapaglabas ng papeles.
Tiniyak ng BOC na kakasuhan nila ang mga may-ari ng sakaling mabigong magharap ng kaukulang dokumento.