Naghahanda na ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council(RDRRMC)-Calabarzon (Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon) sakaling maapektuhan ng oil spill ang Verde Island sa Batangas at iba pang bahagi ng lalawigan.

Ayon kay RDRRMC chairperson Ma. Theresa Escolano,regional director din ng Office of the Civil Defense (OCD)-Calabarzon, itinaas na nila sa "Alpha" angemergency preparedness at response protocols ng rehiyon.

Aniya, nagsasagawa na rin sila ng resource inventory at pagmo-monitor sa sitwasyon ng oil spill.

Sa pre-disaster risk assessment ng RDRRMC, may posibilidad na umabot ang oil spill sa Verde Island sa at sa iba pang karagatang sakop ng Batangas, depende sa magiging direksyon ng hangin sa mga susunod na araw.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Tiniyak din ni Escolano na nakahanda ang RDRRMC-Calabarzon na tugunan ang epekto ng oil spill sa Batangas. Inaabisuhan na rin ang mga residente na manatiling maging kalmado.

Nasa ‘Blue Alert’ status na rin aniya angRDRRMCEmergency Operations Center para tutukan ang banta ng oil spill sa mga karagatang sakop ng rehiyon.

Nauna nang nagbabala ang University of the Philippines (UP)-Marine Science Institute na ang tumagas na langis ay na maaaring umabot sa Verde Island Passage at iba pang bahagi ng Batangas dahil sa pagbabago ng direksyon ng hangin na dulot ng paghina ng ‘amihan’ o northeast monsoon.

Ang Verde Island Passage ay karagatan sa pagitan ng Batangas at Mindoro na may pinakamaraming isda, corals, seagrasses, mangroves at iba pa.