Inaresto ng mga tauhan ng anti-scalawag unit ng Philippine National Police (PNP) ang isang babaeng pulis kaugnay sa umano'y pangingikil sa mga pulis na nagnanais na magpalipat ng destino sa Makati City.

Pansamantalang nakapiit sa PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) headquarters sa Camp Crame ang suspek na si Corporal Michelle Ann Repolles.

Paliwanag ni IMEG chief, Brig. Gen. Warren de Leon, dinakip si Repolles sa ikinasang entrapment operation sa Makati Central Police Station headquarters nitong Huwebes.

Aniya, nakatanggap sila ng ulat nitong Marso 13 na nagsasabing nangongolekta umano si Repolles ng ₱10,000 hanggang ₱30,000 sa mga pulis na nagnanais na magpalipat ng kanilang assignment.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Inamin ni Repolles ang koneksyon umano nito sa Directorate for Personnel and Records Management na naglalakad ng kanilang reassignment order.

Nasamsam sa suspek ang isang mobile phone na may GCash virtual money wallet application na ginamit sa paglilipat ng pera.

Bukod sa kasong kriminal, nahaharap din si Repolles sa kasong administratibo.

Philippine News Agency