CARACAS, Venezuela -- Pinawalang-bisa ng Korte Suprema ng Venezuela nitong Huwebes ang isang kontrobersyal na probisyon ng military justice code na itinuturing na ilegal ang homosexuality sa loob ng sandatahang lakas.
Pinawalang-bisa ng korte ang artikulo, na nagbigay ng parusang hanggang tatlong taon sa pagkakulong, "para sa kakulangan ng sapat na kalinawan at legal na katumpakan tungkol sa pag-uugali na nilayon nitong parusahan," ang sabi ng korte sa website nito.
Nanawagan ito ng parusa laban sa mga miyembro ng militar na gumawa ng "sexual acts against nature" ngunit nabigong tukuyin kung ano ang ibig sabihin nito, sinabi ng pahayag.
Ang artikulo ay hindi tugma sa konstitusyon o progreso sa karapatang pantao, dagdag ng korte.
Tinanggap ng mga miyembro ng LGBTQ community sa konserbatibong Venezuela ang desisyon.
"After so many years of struggle we have achieved the nullity of the article of the military justice code," sinabi ng aktibistang si Leandro Viloria sa AFP.
Isang opisyal ng militar na natiwalag matapos malaman ng sandatahang lakas na siya ay bakla ang nagsabi sa AFP na ang pagpapawalang-bisa ng artikulo ay nagbubukas ng posibilidad para sa kanya na hilingin ang kanyang muling pagbabalik.
"Now it is a matter of evaluating if given that situation my reinstatement proceeds -- at least with this the fear will disappear," aniya habang hindi ibinunyag ang kaniyang pagkakakilanlan.
Agence-France-Presse