Nakaalerto na ang Calapan City government matapos maapektuhan ng oil spill ang baybayin nito sa Barangay Navotas nitong Huwebes.

Sa panayam, sinabi ni Calapan Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) chief, Dennis Escosora, pagtutuunan muna nila ng pansin ang baybayin sa Sitio Villa Antonio at Proper, Brgy. Navotas kung saan nakita ng mga residente ang mga bakas ng langis.

Dahil dito, nilinaw ni Escosora na posibleng maantala ang misyon nilang maglatag ng oil spill boom sa mga lugar na posibleng maapektuhan ng pagkalat ng langis 

Kamakailan, inumpisahan na ng Philippine Coast Guard (PCG)-Mindoro ang paglalagay ng mga spill boom bilang proteksyon ng mga bayan sa lalawigan mula sa oil spill na galing naman sa lumubog na MT Princess Empress nitong nakaraang buwan.

Probinsya

'Bawal judgemental?' Lalaking nilait ang katrabaho, tinaga sa ulo!

Kaugnay nito, nanawagan din si Escosora sa mga residente na itigil na muna ang pangingisda, gayundin sa pagkain ng mga lamang-dagat dahil na rin sa epekto ng langis.

Nangako rin ang opisyal na tutugunan nila ang mga pangangailangan ng mga residenteng maaapektuhan ng insidente.

Matatandaang lumubog ang oil tanker sa karagatang sakop ng Naujan sa Oriental Mindoro nitong Pebrero 28 matapos masiraan at hampasin ng malalaking alon habang naglalayag mula sa Bataan patungong Iloilo.

Philippine News Agency