Kaloka! Wala talagang nakakalampas kay Meme Vice ano?!

Sa kamakailang episode ng “It’s Showtime,” pilyang naisingit ni Meme Vice ang katawagan ni “Tawag ng Tanghalan” hurado Darren Espanto habang commercial break.

Paghirit pa ni Meme, ang blooming aniya ni Darren ngayon, bagay na binigay naman ng singer ang credit sa pangangalaga ng celebrity beauty brand na Belo.

“Nag-hi lang ako sa kausap niya sa phone niya,” sey ni Meme.

Diana Zubiri, 'di pinagsisihang nagsimula bilang sexy actress

“Hindi, in love tayo sa work natin, sa ginagawa natin sa buhay,” pag-segue ng singer sa pambubokayo ng host na ikina-'sus' lang ng komedyante.

Matapos magkomento ng young singer sa isang contestant ay ‘di pa rin nakaligtas si Darren sa pang-eexpose pa ni Meme on air.

“In love daw kasi si Darren. Hi, sa kausap niya dun sa phone,” hirit muli ng host.

“Ay mabait yung bata na ‘yun. Tuwing nakikita ko ‘yun, nagha-hi, kumi-kiss sa akin,” dagdag ng host.

Hanggang sa walang anu-ano’y, “mabait sila nung kambal niya,” lalo pang clue ni Meme na ikina-react ng audience at kapwa hosts.

“Ay parang kilala ko yata,” gatong din ni Tsang Amy.

“Parang isa lang ‘yung kambal sa showbiz,” dagdag ni Kim.

Matatandaang matagal nang nali-link si Darren sa isa sa mga kambal ng showbiz couple na sina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi na si Cassy.

Basahin: Carmina Villaroel, tiwala kay Darren at Cassy: ‘Gusto kong ma-enjoy nila yung kanilang kabataan’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Bagaman wala pang direktang pag-amin ang dalawa, ilang beses nang namataan ang young artists na magkasama sa ilang public at private events kabilang na ang ilang local at international trips.

Samantala, kaugnay pa rin sa pambubokya ni Meme kay Darren, confirmed ngang si Cass yang katawagan nito sa “It’s Showtime.”

Ito’y matapos mahuli on camera ng isang fan ang ganap habang naka-break ang programa.

“Ngayon niyo sabihing bawal pagsabayin ang work at bebe time 😌. Naku naku kayo!! Wag kayong papaloko sa busy busy kuno, pwede daw yan magawan ng paraan sabi ni Darren 🤪🥰 #cassren #cassylegaspi #darrenespanto #itsshowtime,” caption ng viral TikTok video.

Pagbabahagi pa ng ilang Darrenatics na noo’y nasa studio, nag-hi pa umano si Cassy sa kanila habang kausap ng singer ang Kapuso young star via face time. Kilig!

Ano sa tingin niyo? Special friends nga lang ba sina Darren at Cassy o opisyal nang celebrity couple?