Proud retokada ang Viva singer na si Katrina Velarde kasunod ng isa na namang enhancement na ginawa sa kaniyang mata.

Ito ang mababasa sa Facebook post ng singer nitong Miyerkules, Marso 15, nang iflex nga ang kaniyang latest non double eyelid retouching.

Diana Zubiri, 'di pinagsisihang nagsimula bilang sexy actress

Kung dati ay nililihim n ilang celebrities ang mga pinagagawa sa kanilang mukha, ibahin si Kat na tila walang pake sa sasabihin ng madla. Tiis-ganda ang peg!

Sa katunayan, proud nga siya sa aniya’y “robot journey.”

Noong 2018, unang ibinahagi ng singer ang kaniyang non-surgical noselift sa kaniyang YouTube channel.

Nasundan ito ng pagpapalagay niya ng talukap noong 2020 na na-enhance nga muli ngayong taon.

Kamakailan, matatandaang kinakilig at kina-sanaol ng maraming followers at fans ni Kat ang kaniyang bagong natagpuang pag-ibig sa isang Sloval pilot. Sana all nga!

Basahin: Afam na VIP pilot, bagong pag-ibig ni Katrina Velarde higit isang taon matapos mabyuda – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid