Nagbigay ng saloobin ang Sparkle Stars na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz tungkol sa cheating, sa kanilang interview sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Huwebes, Marso 16.
Sa unang pagkakataon, magsasama sina Julie Anne at Rayver sa isang pelikula na may titulong, "Cheating Game," kaya naman itinanong sa kanila ni Boy kung ano ang cheating para sa kanilang henerasyon, kailannagchi-cheat ang isang tao, at ano ang itinuturing na cheating.
Sagot ni Julie Anne, "Actually ang hirap niyang i-define Tito Boy eh. Ang dami kasing puwedeng definitions, I mean iba-iba kasi tayo ng interpretations."
"[Cheating] is something you do when you're not contented in a relationship," sey niya nang matanong ang pananaw niya hinggil dito.
Example naman ni Boy kay Julie Anne,“Halimbawa, text. Halimbawa, nakipag-usap sa telepono. Halimbawa, tumingin ng kakaiba.”
"Depende sa conversation, Tito Boy," anang actress-singer.
"So depende sa conversation, pero kapag may landi, alam mo yun 'di ba, that's cheating to you?" tanong naman ng TV host.
“For me, medyo under the table, medyo shady kasi siya, Tito Boy. Kasi you're allowing the person to flirt with you or make landi with you and then like you landi back,” sagot ng aktres.
Hindi rin papatalo sa sagutan si Rayver. Aniya, kapag nasa isang relasyon dapat contented sa partner.
“Sa generation ko, well in general siguro like kapag nasa isang relationship ka, for me Tito Boy sagrado yun eh, kung nasa isang relasyon ka, dapat contented ka with your partner and the person that you love. Kasi kung hindi ka... kagaya ng sabi ni Juls na hindi contented, may mga tendencies talaga na hahanapin mo sa ibang tao. And then mahirap kasi makipag-one-on-one na makipaghiwalay, so ang nangyayari siguro ang tendency is nagkakaroon ng cheating," aniya.
Bukod dito, tinanong naman ni Boy kung paanohina-handleng showbiz couple ang boundaries nila kapag may 'lumalandi' or may 'umaaligid' sa partner nila.
Sagot ni Julie, hindi naman daw siya confrontational pero inamin niyang medyo selosa siya. Gayunman, hindi rin naman daw maiiwasan na walang magkagusto kay Rayver lalo't marami raw talagang nagkakagusto rito.
Para naman kay Rayver, confident daw siyang siya lang ang lalaki sa buhay ni Julie. Pero kapag makulit na raw at nag-oover step na ang umaaligid kay Julie ay kakausapin na raw niya ito.
Huling tanong ni Tito Boy tungkol sa cheating, anong klaseng cheating ang napapatawad at ang hindi na.
“Kasi kapag sinabi mong cheating, Tito Boy, cheating e. Parang wala kasi siyang excuse... so done," sey ng aktres.
"Ako, Tito Boy, I agree with Juls pero kasi depende siguro sa sitwasyon dahil 'di natin alam, depende kapag pamilyadong tao ka na. Maybe by then, depende sa kasalanan, ewan, for the kids, baka puwedeng maayos para sa mga bata. Pero I agree with Julie po na kapag nagloko ka na, mahirap na po kasi yung trust nag-crack na eh," sagot ni Rayver.
Samantala, may saloobin din ang seasoned TV host hinggil sa cheating.
“Ako iginagalang ko yun. I totally honor your thoughts and opinions. Pero iba ang pananaw ko," panimula ni Boy.
"Naniniwala ako na kapag mahal mo ang tao, your love should always be bigger than the weaknesses of your partner. May kasabihan nga si Maya Angelou, 'You should always give your partner a second chance. Always a second chance.' Pero ang hirap nun, ang hirap hirap nun, lalo na yung lamat, yung trust na nasisira pero iba-iba nga tayo,” saad pa niya.