Ipina-deport ng Philippine government ang isang babaeng Japanese na wanted sa Tokyo sa kasong financial fraud.

Kinumpirma ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco, na pinasakay na nila si Risa Yamada, 26, sa Japan Airlines patungong Narita nitong Biyernes ng umaga.

Si Yamada ay natimbog ng mga tauhan fugitive search unit (FSU) ng ahensya sa Roxas Blvd., Pasay City nitong Enero 9.

Matagal na siyang pinaghahanap ng mga awtoridad sa kanilang bansa matapos maglabas ng warrant of arrest ang Tokyo Summary Court noong Setyembre 15, sa kasong theft.

Internasyonal

Dating posisyon ni Pope Leo XIV, ipinasa kay Cardinal Tagle

Sa natanggap na ulat ng BI, nakipagsabwatan umano si Yamada sa iba pang suspek upang nakawin ang mga impormasyong mula sa automated teller machine (ATM) card ng mga biktima.

Nagpapanggap ding mga empleyado ng bangko at pulis ang mga suspek kaya sila nakapanloko.

Philippine News Agency