“My Grab driver is a woman.”

Ito ang proud na pag-flex ni “Dirty Linen” star Jennica Garcia sa kaniyang babaeng driver sa pagdiriwang pa ng buwan ng kababaihan ngayong Marso.

Ang “beautiful and hardworking lady” ay nakilalang si Carol na magalang pa aniyang humingi ng photo kasama ang siya.

“Ang surreal sobra gawa ng tanungin ko siya ng pangalan niya, Carol daw po. Carol din ang panagalan ko sa #Fractured under ABS-CBN at Dreamscape Entertainment , ❤️💚💙” pagbabahagi ni Jennica.

Tsika at Intriga

'Pati aso dinamay!' Nananahimik na si Daniel, nakaladkad dahil kay Anthony

Coincidence pa ba o tinadhana nang magtagpo ang dalawa?

Pagpapatuloy kasi ng Kapamilya actress: “I became her passenger on the same day we were launched to star a new series for iWant. Aliw noh? Ang galing. 🤍

Sa huli, isang pasasalamat at papuri lang ang pawang pahayag ni Jennica sa magiting na babaeng driver.

“Ang linis ng sasakyan ni Ate Carol at mahusay siya mag maneho. Hindi rin umiinit ang ulo pag traffic. Salamat sa serbisyo mo Ate Carol. Stay safe, always. 🤍

Sa pag-uulat, umabot na sa mahigit 88,000 ang naturang post ni Jennica.

Pinusuan at inulan din ito ng pagmamahal mula sa netizens.