Nainis na ang maraming Pinoy pageant fans nang maging tampok muli ang former Pinay beauty queens sa panibagong social media content ng Miss Universe. Anila kasi, ginagamit na lang umano ng organisasyon ang Pinoy clout sa ngayon.

Ito ang mababasa sa kaliwa’t kanang feature ng beauty brand nang itampok ang unang tatlong beauty queens na nagpasimula sa 12 taong semifinals streak ng Pilipinas sa Miss Universe.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Watch every single show moment for all Miss Universe Philippines delegates for the years 2010-2012,🇵🇭” sey ng caption sa Facebook, YouTube at Instagram ng Miss Universe.

Dito makikita ang full performances nina Miss Universe 2010 fourth runner-up Venus Raj, Miss Universe  2011 third runner-up Shamcey Supsup at Miss Universe 2012 first runner-up Janine Tugonon.

Tila hindi naman maka-move on pa rin ang Pinoy fans sa sinapit na unplaced finish ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi sa ilalim ng bagong era ng pageant brand. Kaniya-kaniyang sita na ang mga ito sa comment section ng organisasyon nitong Huwebes, Marso 16.

“The design is very userrr! Amakana accla! Stop,” komento ng Pinoy pageant page na “Bekis of Pageantry.

“In fairness, kuhang-kuna niyo inis ko,” segunda ng Pinoy online personality na si Madam Aivan.

“They’re using Philippines again,” sey ng isa pang pageant follower.

“The design is very ire-restory ang mga tagged story about pelepens tapos ililigwak sa semi,” tila hinanakit pa rin ng isang Pinoy netizen sa kinahinatnan ni Celeste noong Miss Unverse 2022 competition noong Enero.

“The design is very manggagamit. Pampalubag loob gigil mo akoo HALLLLLOOOOOO.😂

“The Design is very Kemedorang Palakang Manggaga Haluuuuu...!!”

“Well, I hope and wait for the same videos for all countries who reach semifinals. And not only Puerto Rico; Usa; Brazil; South Africa and Jamaica. I mean all countries.”

“The design is very user nanaman HAHAHAHAHAHA!”

Inilawaran pa ng ilang Pinoy fans ang ang pagkakahalintulad na umano ng Miss Universe sa kontrobersyal na pageant brand na Miss Grand International, pagmamay-ari ng isang Thai media modul na si Nawat Itsaragrisil.

“The design is very ANGKOL!” pagpapatuloy na komento sa latest content ng Miss Universe.

“Philippines will always be a Miss Universe country🌸hope MUO doesnt lose its class🙏🏻!”

“VERY FUNNY USING PHILIPPINES TO GAIN MORE LIKES😛

“Using Philippines again to gain more views. You know well that nothing beats the Filipino fans ever worldwide or universe-wide.”

Gayunpaman, sa Facebook pa lang, umabot na sa mahigit 100,000 views ang naturang feature higit isang araw lang matapos i-upload ng organisasyon.