Nilatag ng abogado at blogger na si Jesus Falcis IIII ang para sa kaniya’y mga legal na batayan kung bakit hindi dapat matakot ang mga kritiko ng kontrobersyal na direktor na si Darry Yap na nauna nang nagbantang maghahain ng reklamo kaugnay ng umano’y malisyusong akusasyon laban sa kaniya.

Kamakailan ay idinetalye na ng direktor ang magkakahiwalay na kasong isinampa niya sa ilang “Luzon people” at limang kaso na natukoy namang galing sa ilang netizens mula Visayas at Mindanao.

Pagtitiyak ni Yap na hihimas ng rehas ang mga nasa likod ng pagtawag sa kaniya na PDF file, o aniya'y paglalarawan sa kaniya bilang "pedophile."

“Tignan natin kung hanggang saan ‘yang tigas ng mga mukha n’yo bumuo ng kuwento mula sa putol na tweets para meron kayong basehan sa kaisa-isang bagay n’yong ibinabato sa akin,” aniya na target na isapubliko ang kaso “para makita ng lahat.”

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Nitong Biyernes, Marso 17, tila maaga namang binara ni Falcis ang legal na rekurso ni Yap laban sa mga kritiko.

Dalawang legal na punto at aniya’y “libreng legal advice” ang mababasa sa kanyang social media post.

“Calling someone PDF File is not automatically libelous. Under libel law, if a statement is susceptible to two interpretations - one benign and innocent and the other libelous, the law will swing in favor of the benign interpretation because of the rule in criminal law on lenity (criminal laws and its application are interpreted in favor of the accused),” unang punto ni Falcis habang nilinaw niya rin na ang pagtawag umano sa direktor na PDF File ay hindi mapanirang puri dahil sa sariling konteksto nito.

Sunod na tinira ni Falcis ang paghahain ni Yap ng magkakahiwalay na kaso kagaya ng naunang nabanggit.

“The rule in online libel or cyber libel is that the venue for filing a case is his place of residence. It is not ‘wherever he reads the libelous comment,’” saad ni Falcis na ipinagpalagay pang potensyal na hindi komunsulta ng abogado ang direktor.

“If he’s saying he’s already filed cases in Cebu for people based in Luzon, he’s either bluffing or he will be humiliated with a dismissal of the case by the fiscal for improper venue and lack of jurisdiction,” pagtatapos na latag ng abogado.

Mababasa rin ang kopya ng “jurisprudence laying down the venue for online libel” sa kasong Bonifacio vs. RTC of Makati sa parehong post ni Falcis.

Nitong gabi ng Biyernes, Marso 17, sinagot na ng direktor ang abogado sa isa ring Facebook post.

“Siguro kung tanga lang ako, kinuha kong abogado ’to para himbis bumili ako ng mga properties sa mga pinagsampahan ko ng kaso eh nabigyan ko sya ng trabaho,” anang direktor at sinabing hindi siya “humihingi ng payo sa payaso.”

“Himbis pangaralan nya ang mga kauri nya na maging responsable at wag manira— binibigyan nya ng bagay na tanging yun lang ang meron sila—LAKAS NG LOOB. HAHAHA,” pagpapatuloy ni Yap.

“Talaga bang lahat ng abogado na pink eh ganito—walang maipapanalong kaso? KASI WALA NAMANG KUMUKUHA,” pagtatapos niya.

Basahin: Kasong cyberlibel ni Antonio Contreras vs abogadong blogger, ibinasura ng piskalya – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaang noong 2022, naipanalo ni Falcis ang hiwalay na cyberlibel case na inihain sa kaniya ng kolumnistang si Antonio Contreras.