Aayudahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga naapektuhan ng sunog sa Baguio City market nitong Marso 11.

Sa pahayag ng DSWD-Field Office sa Cordillera Administrative Region (CAR), nasa 1,700 vendors ang makatatanggap ng financial assistance ng ahensya bilang bahagi ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Paliwanag ng DSWD, ang nasabing ayuda ay puhunan sa negosyo ng mga naapektuhan ng insidente.

Nauna nang inihayag ng ahensya na namahagi na sila ng ₱1.5 milyong halaga ng relief assistance sa mga nasunugan.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

Binigyan na rin ng food packs at non-food items ang mga biktima ng sunog.

Philippine News Agency