Sa kabila ng mga isyu sa pagitan nina Ogie Diaz at Liza Soberano, 'feeling lucky' daw ang talent manager na si Lolit Solis sa kaniyang mga alaga dahil hindi raw siya nagkaroon ng issue sa mga ito.
Sa isang Instagram post nitong Miyerkules, sinabi ni Lolit na natatawa na lamang daw siya sa mga nangyayari sa pagitan ng talents at managers.
"Natatawa ako sa mga nangyayari ngayon between talents and managers, Salve. Ewan ko pero feeling ko napaka lucky ko sa mga alaga ko dahil hindi ako nagkaruon ng issue sa mga ito," saad ni Lolit.
Dagdag pa niya, isa sa mga katwiran niya na kapag ayaw na ng talent magpahandle sa kaniya ay nile-let go niya ito.
"To think na wala akong kontrata sa kanila. Lahat kami honor system lang, lahat base on trust. Basta kasi katwiran namin nuon ni Douglas Quijano pag ayaw na sa iyo, let go. Huwag mong habulin ang gustong umalis."
"Saka lagi ko kasing basis pag tanggap ng talent iyon dapat may emotional attachment ako, iyon mahal ko bago ko ihandle. At so far, wala naman akong naging problema," sey pa ng talent manager.
Nakakalungkot daw kasi na sa tagal ng pinagsamahan, nagkakaroon daw ng bitterness kapag naghiwalay ang isang talent at isang manager. Inihalintulad din ni Lolit sa isang pamilya ang relasyon ng talent at manager.
"Kalungkot kasi na pag matagal na iyon samahan ninyo, at maghiwalay kayo, magkakaruon ng bitterness. Mas maganda na pag ayaw na, pareho ninyong tanggap ang ending ng samahan ninyo ng walang galit sa loob mo," aniya.
"Ang manager/talent relationship parang family din. Magkakahiwalay pero nanduon parin iyon good memories dapat. Melancholic nga ako nuon wake ni Douglas Quijano at Bibsy Carballo na nakita ko mga talents nila ang nag aasikaso. Talagang turing pamilya. Kaya sad pag makita mo na nag aaway ang dating magkakampi.
"It leaves a bad taste in the mouth. Sana maisip nila na after a long years of working together, dapat kung maghiwalay man, let it be. Walang siraan, walang bad words. Peace lang. Maliit lang ang showbiz, at magkikita kita kayo lagi, gusto mo bang lagi kang may iniiwasan, hindi maganda di ba ? Kaya no more word war, stay quiet , mas class pa, mas bongga," sey pa niya.
KAUGNAY NA BALITA: