Takot ang hatid sa netizens matapos i-upload ni Jenelyn Amarga ang nakakakilabot na larawan ng umano'y ''sigbin'' na nakuhanan ng kaniyang kapitbahay sa kanilang lugar, sa Tagabaca, Butuan City.

Sa panayam ng Balita kay Jenelyn, ikinuwento niya na akala ng kaniyang kapitbahay na alagang inahing manok nila ito kaya labis ang pagtataka niya kung bakit hindi pa ito kinuha ng kaniyang mga anak sa daan.

Aniya, "Yung kapitbahay namin ang nagkuha ng litrato niyan at hiningi ko. Noong makita niya ito sa daan, akala niya na alagang inahing manok nila ito kaya kinuhanan niya para ipaalam sa kaniyang mga anak kung bakit hindi pa nila kinukuha sa daan ang manok at baka raw ay kuhanin pa ng iba."

Dagdag pa niya, matapos nila makita ang resulta ng mga litrato, 'di umano sila makapaniwala dahil nagmistula na itong aso o 'di kaya'y sigbin.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Babala si Jenelyn sa mga netizen at sa mga kapitbahay niya na huwag ng pagala-gala sa gabi, dahil kung totoo mang sigbin ang nakuhanan nila ng litrato ay posibleng aatakihin sila nito.

Ang Sigbin ay isang nilalang sa mitolohiya ng Pilipinas na pinaniniwalaang lumalabas sa gabi upang sipsipin ang dugo ng mga biktima mula sa kanilang mga anino.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!