'Rosmar "Ginalingan" Pamulaklakin'

Pinuri ng netizens ang pag-arte ng controversial CEO na si Rosmar Tan Pamulaklakin, matapos mapasama sa cast ng comedy-romance ng GMA Public Affairs na "Zero Kilometers Away" na pinagbibidahan nina Kyline Alcantara bilang Gwen at Mavy Legaspi bilang si Ardi.

Kasama rin ni Rosmar ang kaniyang asawa na si Jerome sa pag-arte, na pinuri naman ng netizens dahil sa ekspresyon ng mga mata nito.

Sa eksena, mangiyak-ngiyak si Rosmar nang malaman niyang may ibang babae ang kaniyang partner at ang tawagan pa nila ay "babe." Ngunit, idiin naman ni Jerome na magkaibigan lang umano sila ng babae, at nagalit pa ito nang pinakialaman ni Rosmar ang kaniyang telepono.

National

Magnitude 4.2 na lindol, yumanig sa Batanes

Komento ng netizens sa pag-arte ni Rosmar:

"Ang galing mo naman Rosmar."

"Best Actress na 'yan!"

"Problema sa mga singkit pag naiyak nawawala talaga mata eh. I feel you Madam. Hahaha, galing mo! Best actress."

"Bukod sa mabait at maganda, magaling pa sa aktingan. Yan ang Rosmar, siya lang ang pinakamalakas."

"Yung umiyak siya pero maganda pa rin. Grabeee!"

Ang "Zero Kilometers Away" ay kwento ng dalawang magkaibigan na sina Ardi (Mavy Legaspi) at Gwen (Kyline Alcantara) na lihim na umiibig sa isa't isa. Ito ay mapapanood, ala sais ng hapon sa GMA Portal, GMA Public Affairs’ YouTube channel, at GMA-owned Facebook pages.