Pinuri ni Manila Mayor Honey Lacuna ang Public Employment Service Office (PESO) nitong Miyerkules dahil sa patuloy na pagbibigay ng hanapbuhay sa mga unemployed na residente ng lungsod.

Ayon kay Lacuna, simula noong Enero 1, 2023 hanggang sa kasalukuyan ay umabot na sa kabuuang 4,592 ang nabigyan ng trabaho ng PESO, kabilang na ang mga senior citizens at persons with disability (PWDs).

Sinabi pa ng alkalde na ang tanggapan ng PESO ay nagkaroon din ng career guidance report, kung saan umabot sa 4,726 estudyante ang nagbigyan ng career guide.

“Ito ay para i-guide kayo (students) sa tamang landas or career path. Kailangan din nating may tumutulong sa atin sa pipiliin natin although not to the point na didiktahan tayo sa gusto natin sa buhay,” sabi ni Lacuna.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Inanunsyo din ng lady mayor na magkakaroon ng Mega Job Fair sa March 24, 2023.

Ito aniya ay gaganapin sa Sarmiento Covered Court, Teresa St. Sa Sta. Mesa, Manila, mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas- 4:00 ng hapon.

Ang mga aplikante ay pinaaalalahanan na magsuot ng casual attire, magdala ng 10 kopya ng resume at sarilingballpen.

“Be there 30 mins before job interview so relaxed na kayo. Dapat na may laman ang tiyan para hindi kayo nagugutom at magdala ng ballpen para di na kayo nanghihiram,” ayon pa kay Lacuna.

Nauna rito ay iniulat din ni Bermejo na nagkaroon din ng parehongmega job fair noong February 24 sa lungsod kung saan 205 ang natanggap on the spot at 473 aplikante naman ang natulungan.