Hindi nagustuhan ng mga netizen ang umano'y pabirong intro ng singer na si Michael Pangilinan sa isang babaeng dumalo sa isang school concert kung saan naimbitahan siyang mag-perform.

Ayon sa tweet ng isang netizen, nagulat raw siya sa sinabi ni Michael sa isang audience na pinaakyat niya sa entablado bago siya magtanghal.

"Ang sh*t ng intro ni Michael Pangilinan sa concert dito sa dlsud!" sey sa tweet ng concerned netizen.

"So before siya kumanta, nagpaakyat muna siya ng audience. He asked if she's single and all 'para makagawa tayo ng baby.'"

National

Magnitude 4.2 na lindol, yumanig sa Batanes

"Hindi ko lang navideohan. If nandito ka rin tonight, & may video ka, feel free 2 comment!"

Screengrab mula sa Twiiter

Sa mahaba pang serye ng netizen, idinetalye pa ng netizen ang mga ginawa ni Michael, gaya ng pagkandong at pagpapakandong sa naturang female student, at paghirit umano ng kiss dito.

Nakaka-diyahe raw dahil naturingan pa namang "Women's Month," at isa pa, nasa loob sila ng school vicinity.

Naglabas din ng resibo ang naturang netizen mula sa isang kaibigan na sana raw, sa susunod ay kumanta na lang si Michael at huwag kung ano-ano pa ang sinasabi na maaaring makabastos sa iba.

Screengrab mula sa Twitter

Marami ring inilabas na clips mula sa naturang school concert ang netizen.

Wala pang tugon, reaksiyon o pahayag ang kampo ni Michael tungkol dito. Bukas ang Balita para sa kaniyang panig.