Nais ng isang senador na matigil na ang lantarang diskriminasyon laban sa mga nagmomotorsiklo na madalas nahaharang sa mga police checkpoint upang kotongan.

Sa paghahain nito ng Senate Bill (SB) No. 1977, sinabi ni Senator Raffy Tulfo na madalas nakikita sa mga kalye, lalo na sa Metro Manila, ang mahabang pila ng mga motorsiklo sa isang checkpoint na inilatag ng mga pulis.

Aniya, lusot sa mga checkpoint ang lahat ngfour-wheel vehicle, katulad ng mga kotse, pick-up, sports utility vehicle (SUV) at van.

Sa checkpoint aniya, ang mga sakay ng mga motorsiklo ay kinakapkapan, pinabubuksan ang compartment at hinahanapan ng kung anu-anong dokumento.Dagdag ng senador, kung minsan pa ay pinupuntahan ng ebidensya ang bulsa o compartment ng mga rider para maka-kotong ang mga pulis.

Sa ilalim ng panukala, hiniling na ipatupad ang panuntunang pantay-pantay para sa lahat ng two at four wheels vehicle upang maiwasan ang diskriminasyon laban sa mga rider.