Muling nanawagan nitong Huwebes, Marso 16, ang mga progresibong grupo ng kababaihan na palayain na ang daan-daang mga bilanggong pulitikal sa bansa.

Ilan sa mga nasabing grupo ay ang Gabriela, Defend Peasant Women, at Citizens Rights Watch Network.

Nagmartsa ang mga progresibong grupo sa harap ng opisina ng Department of Justice (DOJ) at umapela kay DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla na pagtibayin ang pagprotekta at karapatan ng kababaihan.

Binigyang-diin sa apela ang mga kaso kung saan naabuso umano ang mga kababaihan, maging ang women rights defenders sa bansa.

Ayon kay Cora Agovida, Deputy Secretary General ng Gabriela na naging political detainee rin umano noong siya'y Chairperson ng GABRIELA-NCR, nararapat na palayain na ang mga bilanggong pulitikal lalo na ang mga may sakit, may edad na, at mga kababaihan.

“These women and all who came before them have had to claw their way out of the quagmire of limitations imposed on women—especially poor women—in a feudal-patriarchal society, and asserted their rightful place in the struggle for rights and justice. Only for the state to shove them back into a box, literally and figuratively,” ani Agovida.

"This women’s month, we reiterate our urgent demand for the release of our sisters and all political prisoners. No one should be jailed for exercising their rights to contribute to the toiling masses’ fight for democratic rights, which include livable wages, decent jobs, and civil liberties,” dagdag niya.

Ayon sa tala ng Karapatan, tinatayang 819 ang bilang ng mga bilanggong pulitikal sa bansa, kung saan 162 rito ay mga babae.