Kinumpirma ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na walang tsunami threat sa Pilipinas matapos yanigin ng magnitude 7.1 na lindol ang bansang New Zealand nitong Huwebes ng umaga, Marso 16.
"No destructive tsunami threat exists based on available data. This is for information purposes only and there is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake," saad ng Phivolcs.
Nangyari umano ang magnitude 7.1 na lindol sa Kermadec Islands Region sa New Zealand bandang 8:55 kaninang umaga.
Naglabas naman ng tsunami warning ang US Tsunami Warning System sa Kermadec Islands Region matapos mangyaring lindol.