Usap-usapan ngayon ang sunod-sunod na tweets ng actress-director na si Bela Padilla matapos makaabot sa kaniyang kaalaman ang sinabi ng isang netizen na nakakadismaya siya, matapos raw mang-isnab at hindi pumayag na magpakuha ng selfie habang nasa concert ni Harry Styles.

Niretweet ni Bela ang post ng netizen na siya raw ay nakakadismaya at isa siyang "cunt."

"Super nakaka disappoint ni bela padilla kagabi huhu she was such a cunt," mababasa sa tweet ng basher.

Tugon naman ni Bela, "Pangit mo kabonding. Wala akong inirapan, kahit isa, imbento. Isa ka sa isang libong di napagbigyan. If I didn’t TYWK, it was probably because you shoved your phone in my face."

National

PBBM, masayang ligtas si Donald Trump mula sa 'assassination attempt'

https://twitter.com/padillabela/status/1636075177799991297

Sa mga sumunod na tweets ay ipinaliwanag ni Bela ang kaniyang mga naging kilos habang nasa concert.

"Now, if you asked me to take a photo while I was clearly talking to my 4 friends that I met there, I would’ve replied “sorry were talking, let’s take it later.” The people around me can attest to that, any thing you add on, will be mostly fabricated. I went to a concert, PERIOD."

"I gave away tickets because I didn’t think I’d be here. Luckily I had to extend. I went there at 3 pm cause I drove myself, a friend and a fan. Took photos with guards, fans, vendors since 3. If you caught me at 6 onwards, I was tired. I’m a fan wanting to dance too and I did. ❤️."

"Just to clarify, when you say 'can I please have a photo with you?' You give me room to say no.

"You don’t live the TPWK life."

Ngunit hindi nagpatinag ang basher at sumagot pa kay Bela. Aniya, pinapanood pa nga niya kung paano raw umiikot ang mga mata ni Bela sa mga taong lumalapit sa kaniya para magpa-picture.

"We literally didn't cause why would we??? I was standing just near you for a good amount of time and i was actually so giddy that wow she really is here. AND girl please you were rolling your eyes at every people who approached you 😭."

"Pls yung mga locals na nakakita ng tweet about ko kay bela na sinasabi na "di lang napagbigyan" GIRL NOOOO bago pa kami magpapic POLITELY (said hello and pls AND WE WERE SO HAPPY TO SEE HER TOO) bago pa kami lumapit sa kanya nakatayo lang kami ng friend ko sa gilid niya+."

"Pinapanood kung pano siya mang irap at mairita sa mga nag approach sa kanya hshshshsahbsj 😭."

Tugon naman ni Bela, "Girl, ask the 4 people I was with if I rolled my eyes EVER. Hindi ko ugali mangirap. When I’m stressed or tired, I stop smiling, but I don’t roll my eyes. That’s so not me. Look, you can’t even say this from your real account where you can be held accountable."

https://twitter.com/padillabela/status/1636158571158323200

Matatandaang naging isyu na ang di-pagpansin o pang-iisnab ng celebrities gaya ng artista o maging atleta sa kanilang fans, gaya na lamang ng naging isyu ng mga manlalaro ng Choco Mucho Volley Team, gayundin sa star player nitong si Deanna Wong.

Ayon sa latest update ni Bela. mukhang nag-sorry na sa kaniya ang naturang basher.

https://twitter.com/padillabela/status/1636180158070808578