Nakatakdang idaos ng Commission on Elections (Comelec) sa Marso 18, Sabado, ang mga plebisito sa Marawi City upang lumikha ng dalawang barangay.
Ayon sa Comelec, ang mga plebisito para sa paglikha ng Barangay Boganga II at Barangay Datu Dalidigan ang kauna-unahang exclusively local electoral exercise sa Marawi City simula sa liberasyon nito noong 2017.
“The creation of two new Barangays are the [resultant direct] effects of the Marawi Siege, which led to a significant increase in the population on account of internally displaced persons, all of whom are now permanent actual inhabitants whose paramount welfare will be catered to by the newly-created barangay local government units,” anang Comelec.
Nabatid na sa kasalukuyan ay nasa 6,320 ang kabuuang populasyon ng Barangay Boganga, kung saan ipinapanukala ang paglikha sa Barangay Boganga II. Mayroon itong 992 rehistradong botante.
Samantala, ang Barangay Sagonsagon, kung saan ipinapanukalang likhain ang Barangay Datu Dalidigan, ay mayroon namang total population na 7,137 at mayroong 480 registered voters.
Ayon sa Comelec, sa ngayon ay nakapag-imprenta na sila ng 1,472 official ballots na gagamitin para sa mga plebisito.
Nabatid na si Comelec chairman George Garcia, Commissioners Socorro Inting, Aimee Ferolino na siyang Commissioner-in-Charge for Plebiscites, at Ernesto Ferdinand Maceda, ang nakatakdang mangasiwa sa pagdaraos ng mga plebisito