Inihahanda na ng Department of Justice (DOJ) ang isasampang kaso laban sa mga may-ari ng lumubog na MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro nitong nakaraang buwan na nagresulta sa pagtagas ng 800,000 litrong industrial oil nito.

Ito ang binanggit ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla sa isang ambush interview nitong Huwebes.

"Ang tawag ngayon aycase build up. We are sorting out the evidence so that we can file the proper complaint, collate all the data. But as far as we’re concerned, there are possible cases to be filed,” sabi ni Remulla.

“This will be filed by the legal office of the DOJ and we intend to do this by Tuesday, andsana tapos na by then ang ating pag aaral. We will go over the weekend to study this case,” anangkalihim.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Hinihimay aniya nila ang mga posibleng anggulo na kinabibilangan ng pagkasira ng kapaligiran, panganib sa kalusugan, pinsala sa biodiversity upang mapatibay ang kanilang initial findings na gagamitin din sa pagbalangkas ng mga epektibong pamamaraan upang hindi na maulit ang insidente.

Matatandaang lumubog ang barko nang hampasin umano ng malalaking alon matapos masiraan habang naglalayag patungong Iloilo mula sa Bataan nitong Pebrero 28.

Philippine News Agency