Nagdaos ang Department of Health (DOH) Ilocos Region at Provincial Local Government Unit (PLGU) ng La Union ng isang “deep dive” activity sa Barangay Bayabas, na matatagpuan sa bayan ng San Gabriel, at nakalista bilang isa sa mga geographically isolated and disadvantage areas (GIDAs) sa lalawigan ng La Union.
Nabatid na ang naturang aktibidad ay nakatutulong sa mga local chief executives (LCEs) upang itama ang mga leadership blind spots, gaya nang pagkabigong matukoy ang isang partikular na public health problem, mag-develop ng mas profound sense of ownership hinggil sa kinakaharap na isyu, at paghusayin ang kanilang personal vision para sa kalusugan sa kanilang lokalidad.
“Ang ating mga LCEs o local chief executives ay occupied sa maraming aspeto ng local government at kadalasan ay limitado ang kanilang health background, kasama na dito ang understanding ng health inequities sa isang probinsiya o syudad,” ayon kay Regional Director Paula Paz M. Sydiongco, sa isang pahayag nitong Miyerkules.
“Sa pamamagitan ng deep dive activity, nagkakaroon sila ng pagkakataong magkaroon ng face to face at active conversation sa mga tao sa isang barangay o komunidad. The LCE can have a personal vision for the health of the province, its health inequalities and develops a more profound sense of ownership toward the public health issue encountered,” aniya.
Nabatid na sa naturang aktibidad, nagkaroon ng pagkakataon si La Union Governor Raphaelle Ortega-David na i-assess at alamin ang health status ng komunidad at ng mga mamamayan nito.
Napili naman ng La Union PLGU ang pamilya ni Arnold Albacio upang kapanayamin at natuklasang dumaan sila sa mahirap na sitwasyong pangkalusugan noong panahong nagbubuntis pa ang kanyang asawang si Mylene, na malaunan ay binawian ng buhay, ilang araw lamang matapos na sumailalim sa caesarian section operation.
Ikinuwento ni Albacio ang hirap na kanilang naranasan, kabilang ang pagbiyahe paroon at parito sa pinakamalapit na health facility upang masamahan ang asawa sa routine health check-ups nito dahil sa kakulangan ng transportasyon at health service sa kanilang lugar.
Inamin ni Governor Ortega-David na matapos ang dayalogo sa pamilya at pagdaraos ng deep dive activity, ay na-overwhelmed siya ng empathy at compassion para sa mga ito.
“It truly is humbling and eye opening - all the more reasons why I am committed to bringing the services of the government to the people,” aniya. “We have a lot more to do to improve our health systems to make the lives of other people better and safer.”
Tiniyak rin niya sa mga residente na ang kanyang pamahalaan ay magsusumikap upang magtatag ng Barangay Health Station sa Barangay Bayabas at higit pang paghuhusayin ang kasalukuyang road system patungo sa komunidad.
Ang deep dive activity ay epektibo sa pagkakaloob ng agarang resulta sa mga hindi nareresolbang problemang pangkalusugan sa isang lugar.