Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Huwebes ng umaga, Marso 16, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang nasabing lindol na tectonic ang pinagmulan kaninang 5:25 ng umaga.

Namataan ang epicenter ng lindol 181 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Sarangani Island ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 6 kilometro.

Naiulat ang Instrumental Intensity I sa Don Marcelino, Davao Occidental at Malungon, Sarangani.

National

Pepito, kumikilos pa-northwest sa WPS; Signal #3, nakataas sa 3 lugar sa Luzon

Wala namang inaasahang maidudulot na pinsala ang nasabing pagyanig, ngunit posible umanong may aftershocks na mangyari dahil dito.